Sunshine Dizon copy copy

MARAMING pumuri kay Sunshine Dizon noong Pep List 3 awards night wearing a sexy black gown. One of the presenters ng awards SI Sunshine kaya kitang-kita ang laki ng isineksi niya. At tamang-tama naman ito sa role na ginagampanan niya sa Encantadia, si Adhara, bagong character sa epic-serye.

Kahit papaano ay nakaka-move on na si Sunshine sa nangyari sa pagsasama nila ng ex-husband niya. At ang maganda, kahit ano pa ang nangyari sa kanilang mag-asawa, hindi naman naputol ang relasyon nilang mag-iina sa kanyang in-laws.

“Malapit pa rin ang loob namin ng mga anak ko sa father-in-law ko, si Daddy Lito Tan,” sabi ni Sunshine. “Kahit ano pa man ang pinagdaraanan ko, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa amin.

Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral

“He just really missed ‘yung mga apo niya. I’ve never had a problem with the family of Tim, especially my father–in-law. Hindi lang napag-uusapan pero ayoko ring umabot sa point na maapektuhan ‘yung relasyon ko sa father-in-law ko, or ng mga anak ko sa father-in-law ko, because he is a very decent and a good man. He is like my second father.”

Samantala, tuwang-tuwa si Sunshine sa development ng character niya sa Encantadia.

“Para na rin akong si Sang’gre Pirena, iyong unang character na ginampanan ko sa epic-serye, na ginagampanan ngayon ni Glaiza de Castro, dahil masama rin si Adhara na bumalik ng kaharian ng Encantadia para maghiganti at magdulot ng gulo sa mga tao roon. Thankful ako sa GMA-7 dahil binigyan nila ako ng special role na ginawa nila para makasama pa rin ako sa telefantasya. At salamat din sa televiewers dahil nakakakuha na ako ng bashings sa mga netizens na nagagalit sa character ko. Ibig sabihin, tama ang acting ko kaya sila nagagalit sa akin,” napangiting pagtatapos ng mahusay na aktres. (NORA CALDERON)