Pinatawan na kahapon ng Sandiganbayan ng 90-day preventive suspension si dating San Juan City mayor at ngayo’y Senator Joseph Victor “JV” Ejercito kaugnay ng pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang pagbili ng matataas na uri ng baril para sa lungsod noong alkalde pa ito noong 2008.

“Accused Joseph Victor Ejercito is suspended from his position as Senator of the Republic of the Philippines, and from any other public office which he may now or hereafter be holding for a period of ninety (90) days from receipt of this resolution, unless a motion for reconsideration is seasonably filed,” ayon sa anim na pahinang ruling ng 5th Division ng anti-graft court.

Nauna nang hiniling ng prosecution panel sa korte na suspendihin at huwag bigyan ng benepisyo si Ejercito at mga kasamahan nitong akusado nang kasuhan ng graft ang mga ito kung saan ginamit nilang dahilan ang Republic Act 3019.

“With the arraignment of all of the accused on April 18, 2016, the validity of the information filed against them is no longer in question. Suspension must follow as a matter of course,” ayon sa apela sa hukuman ng Office of the Special Prosecutor.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nag-ugat ang usapin nang bumili ng matataas na uri ng armas si Ejercito na nagkakahalaga ng P2.1 milyon noong mayor pa ito ng San Juan noong 2008.

Sa rekord ng kaso, ang pondo na ginamit sa naturang transaksyon ay hinugot sa calamity funds ng lungsod kahit hindi ito isinailalim sa state calamity.

Sa panig ni Ejercito, sinabi nito na hindi siya mangingiming gawin uli ang pagbili ng baril kung mauulit ito sapagkat kailangan ng mga pulis sa San Juan ang baril.

“I am truly saddened by the order issued by the Sandiganbayan. The order precludes me from discharging my duties as a duly elected Senator while it is hearing the case involving the purchase of firearms for the police force while I was still Mayor of San Juan City,” ayon pa sa Senador.

Sinabi nito na tuloy ang kanyang laban sa nasabing kaso. (Rommel Tabbad at Hannah L. Torregoza)