ramirez copy

Bilang pagtalima sa adhikain ni Pangulong Duterte na masigurong drug-free ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan, ipinahayag kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na isasailalim sa drug testing ang lahat ng opisyal at empleyado ng sports agency.

“We will enforced a drug testing for all PSC employees while random naman sa mga atleta,” pahayag ni Ramirez.

Nakalaan na rin umano ang budget, ayon kay Ramirez para sa pagbili ng karagdagang CCTV camera na ilalagay sa lahat ng training venues sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex, Philsports sa pasig City at sa Baguio Training Center.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“We will put also CCTV sa lahat ng venue to monitor the athlete’s training at kung umaattend ba sila sa kanilang schedule.”

Ipinaliwanag naman ni PSC Commissioner Charles Maxey na ang drug testing ang unang programa na nakalinya sa komisyon at hindi lamang kaagad na naisagawa dahil sa pagkabinbin ng appointment paper ng apat na commissioners.

“It was the first agenda na aming napag-usapan noon bago maupo dito sa ahensiya. At nagkakaisa kami na kailangan na mag drug test kaming lahat from Chairman Ramirez down to the last employee,” pahayag ni Maxey.

Matindi ang laban kontra sa droga na inilunsad ni Pangulong Duterte at higit na naging masigasig ang Malacañang matapos magpositibo ang malaking bilang ng mga pulis, gayundin ang ilang empleyado at opisyal ng pamahalaang lokal sa paggamit ng ilegal na droga.

‘Kung yung ibang agency, handa sa drug testing, Dapat lalo kami dahil sports itong pinangangasiwaan namin,” pahayag ni Ramirez.

Mahaharap sa kasong administratibo ang mga empleyadong sasalto na drug-testing, habang posibleng masibak sa national training pool ang mga atletang positibo sa droga.

Sa kasalukuyan, may P40,000 buwanang allowances ang natatanggap ng mga atleta na kabilang sa priority list o yaong mga nagwagi ng gintong medalya sa nakalipas na SEA Games, Asian Games at World Championship. (Angie Oredo)