WALANG kaabug-abog na dumating sa bansa ang Thai actor/model na si Mario Maurer hindi upang gumawa ng pelikula kundi para i-promote ang turismo ng kanyang bansang Thailand, the Land of Smiles.

Hindi raw pagsisisihan ng sinumang turista ang must-see attractions sa kanyang bansa kabilang na ang Bangkok, Chang Mai at Pattaya. Kilala ang mga ito sa ancient temples, spicy food at maputing dalampasigan.

Si Mario ang hinirang sa kampanya ng Tourism Authority of Thailand (TAT) para i-promote ang kultura ng Thailand sa mga Pinoy. Ayon kay Kajornder Apichatrakul, director ng TAT to Singapore at Pilipinas ay malakas ang influence ng Thailand superstar sa young generation.

For shoppers, ang lugar na dinarayo ay Bangkok for various merchandize. Local man o imported ay very affordable ang presyo. Binansagan nga ang Bangkok na shopper’s paradise.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nang gumawa ng pelikula sa bansa si Mario under Star Cinema bilang leading man ni Erich Gonzales ay natikman niya ang pagiging hospitable ng mga Pinoy. Ganito rin daw ang katangian ng Thailander, friendly at masayahin.

Mario looks forward na muling makagawa ng prohekto under Kapamilya. (REMY UMEREZ)