Sa mismong wheelchair binawian ng buhay ang isang matandang lalaki na may malala umanong karamdaman sa Binondo, Maynila, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Manila Police District–Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS) chief Police Sr. Ins. Rommel Anicete, ang biktima na si Victor Tan, 65, binata, ng 853 Tabora Street, Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joseph Kabigting, nabatid na dakong 1:00 ng hapon nang madiskubreng patay na ang biktima habang ito’y nakaupo sa kanyang wheelchair.

Huli umanong nakita ang biktima ng buko vendor na si Walter Quitalig dakong 12:00 ng tanghali at nahihirapan na umano ito sa paghinga.

Metro

Lalaking 'di nabigyan ng pera ng ina, tumalon sa ilog!

Makalipas ang isang oras ay napansin umano niyang hindi na kumikilos ang biktima at nagdesisyong magtungo sa barangay hall. (Mary Ann Santiago)