NAKAKAALIW ang mga komento sa nag-viral na post ng ABS-CBN News sa Facebook na screen grab picture ni Liza Soberano galing sa episode last Monday night ng Dolce Amore, na finale week na ngayon.
Tulad noong magtatapos ang Forevermore na pinagbidahan din nila ni Enrique Gil, umuusok na naman ang sagutan ng mga komento ng televiewers/netizens.
May title na “Isn’t she lovely” at “Watch: Liza stops the show,” after six hours simula nang i-post, mayroon na agad itong 79,000 likes, 714 comments at 900 shares.
Naririto ang ilang comments na gusto naming ibahagi:
“Nang nagsabog ng kagandahan, wala si Liza sa mga sumalo. Siya kasi ang source.”
“Minsan, maiisip mo na lang, baka fave siya ni Lord HAHAHAHAHA!”
“Maraming maganda ‘di lang famous.”
“Isa ka na do’n, ate.”
“Dati hindi siya sikat, ‘di siya napapansin. Ngayong nabigyan siya ng maraming project saka lang napansin ang ganda niya.”
“Mas makinis pa likod niya kesa sa mukha kooo!!! How to be you po? Parang may favoritism talaga si Lord, eh.”
“Guys, lahat tayo love ni God... Si Liza lang talaga ‘yung favorite Niya, ha-ha-ha-ha-ha!”
“Gorgeous Liza. We often see her in casual attires. So each time she is elegantly dressed up the more we appreciate her beauty. Hindi nakakasawa ang ganda niya at hindi rin maarte kung magdala ng sarili. I find her as a good actress.
Just continue to stay grounded Liza. There is so much that awaits for you.”
“Sa apat na araw na lang na itatagal… sana mapanatili ng ABS-CBN at Dolce Amore ang kagandahan ng tinatakbo ng istorya. Sana ‘wag ito matulad sa Pangako Sa ‘Yo na halos buong palabas napakaganda at nasira lamang sa huling dalawang araw nito. Baka kasi sa huling 2 araw din ng palabas nitong Dolce Amore.... may drama pang ihabol ang direktor.... may makikidnap.... may mababaril... at may mamamatay pa... sana ‘wag na... gasgas na gasgas na kasi ang mga eksenang ‘yan na pinatulan pa ng Pangako Sa ‘Yo... tsk tsk tsk.””
“Ikaw na lang sana naging writer.”
“Apply ka maging writer or editor now na, para mahabol mo ang magandang ending.”
“Dami niya fanboy, ahay, nakakainggit.”
“Nagtaka pa kayo, e, nanay ni Liza Soberano ay Americana, natural maganda ang lahi.”
“Hindi naman lahat ng half-American ay maganda.”
“Nakakainis talaga si Liza. Sa totoo lang kasi, hindi man lang nag-share ng kagandahan. Kahit walang makeup maganda pa rin. Ba’t ganern?”
“Tama.”
“Iba kasi ang kalalakihan sa kababaihan... Ang mga lalake, ‘visual’.”
“Si Liza ‘yung kahit umiiyak maganda pa rin. Lugi talaga sa hustisya ang iba, ha-ha-ha-ha.”
“Hahaha, tama ka, ako ‘pag umiyak ako takip mukha ko kasi alam ko mas lalo masisira ang mukha ko, ha-ha-ha! Me fave talaga si Lord.”
“Very lovely.”
“Sa mga Amerikano, mas maganda sa tingin nila, e, Asian, esp, Pinay.”
“Pero aminin natin na ‘pag Pinay o Pinoy na mixed sa ibang lahi, talaga Pakkk Garernnn ang beauty. Kakaiba ‘pag na-mix sa atin, kasi dito daming mixed blood pero mahahalata mo ‘pag me mix sa lahi natin, kasi ang gaganda at pogi,”
“Natural maganda dahil my lahi.”
“Ang ganda niya talaga… simple lang. ‘Yan ang artista, kahit walang makeup ‘yan litaw ang kagandahan pa rin.”
(DINDO M. BALARES)