NEW DELHI (AFP/ANI) – Pinagpiyestahan at kinutya sa social media ang isang mataas na politikong Indian matapos lumabas ang mga litrato nitong binubuhat ng mga pulis sa gitna ng hanggang sakong na maputik na tubig habang nililibot ang mga binabahang lugar sa sentro ng bansa noong Lunes.

Nakunan ng litrato si Shivraj Singh Chouhan, chief minister ng Madhya Pradesh state, na nakasuot ng puting pantalon at puting sapatos at nakangiti habang nakahawak sa balikat ng dalawang pulis na bumubuhat sa kanya. Nakasunod sa likuran ang kanyang mga kasamahan.

Hindi pa malinaw kung sino ang naglabas sa Twitter ng kontrobersyal na litrato ni Chouhan.

Daan-daang katao na ang namatay sa walang humpay na pag-ulan sa buong India. Sa Madhya Pradesh, 15 katao ang namatay nang umapaw ang ilog at binaha ang mga pamayanan, ayon sa Press Trust of India.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline