TOKYO (AFP) – Sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang taon ay nagpulong ang mga foreign minister ng Japan, China at South Korea nitong Miyerkules isang oras matapos magpakawala ang North Korea ng ballistic missile mula sa isang submarine patungo sa Japan.
Ang matagumpay na pagpakawala ng missile, na ayon sa Japan ay ang unang pagkakataon na pumasok ang North Korean sub-launched missile sa air defence identification zone nito, ang pangunahing pinag-usapan.
Sinabi ni Japanese foreign minister Fumio Kishida na ‘’absolutely unacceptable’’ ang ginawa ng ermitanyong bansa, at idinagdag na dapat paigtingin nila ang pagtutulungan at pangunahan ang pagsisikap ng mundo na madisiplina ang North Korea.