Ito ang hatol ng Sandiganbayan, kung saan pinatawan ng 10-taong pagkakakulong si National Broadband Network (NBN)-ZTE deal whistleblower Rodolfo “Jun” Lozada Jr. kaugnay ng kasong graft.

Sa kautusan ng 4th Division ng anti-graft court, bukod kay Lozada, pinatawan din ng korte ng 10-taong pagkakapiit ang kapatid nito na si Jose Orlando Lozada matapos silang napatunayang nagkasala sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 dahil sa umano’y maanomalyang land deal noong presidente pa ito ng Philippine Forest Corp. (PFC), isa sa government-owned and controlled corporation (GOCC), noong 2007 at 2008.

Si Lozada ay sinampahan ng kaso sa kuwestiyonableng pagbibigay ng lease contract ng lupain sa kanyang kapatid na si Jose Orlando Lozada at sa isa pang private corporation na Transforma Quinta.

Idinahilan ng korte na nakitaan nila ng conflict of interest si Lozada nang iginawad nito ang 6.59 ektaryang leasehold right sa kapatid na si Jose noong Disyembre 18, 2009. (Rommel Tabbad)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon