Naitala ng EGS-Elite ang matikas na ‘four-peat’ sa men’s division ng NBA 3X Philippines nitong weekend.

Itinataguyod ng Panasonic, nagwagi naman ng three-peat ang Team Alcaraz, pinagbidahan ni actor Marco Alcaraz, ang Celebrity Division, habang nadomina ni JC Baltazar ang Three-Point Shootout sa ikatlong sunod na panalo.

Ang iba pang celebrity na nakibahagi sa programa sina running guru Rio de la Cruz, PBA Legend Alvin Patrimonio, ex-PBA players and collegiate stars Vince Hizon, Christian Luanzon at Derick Hubalde, musicians Yael Yuzon at Mong Alcaraz, gayundin ang media personalities na sina TJ Manotoc, Mark Zambrano, Nikko Ramos at Marco Benitez.

“We have been looking forward to this tournament all year and have kept ourselves active ever since to play well on this stage. NBA 3X has inspired us to work harder on improving our skills and chemistry for future competitions,” sambit ni Ian Garrido.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Kabalikat niya sa koponan sina playing coach Rocky Acidre, Rutger Acidre at Mark Anthony Dolimon.

Samantala, nanguna ang Team Jacob Liit sa Under-16 Boys Division at BRODIAC, tampok sina Kenjie Duremdes at National University standout Rhayyan Amsali sa Under-18 boys category. Sa Girls Division, nagwagi si Balon Dagupan sa Under-16, habang nagwagi ang National University-A sa Women’s Open Division trophy.

Sa individual categories, nakopo ni Jerome Hamac ng Zamboanga ang Three-Point Shootout crown, Gabriel Aveno ng Bulacan bilang Sprite Diskarte Like A King Challenge Champion at Axl Tolentino ng Caloocan bilang Panasonic Shooting Stars Champion