Timbuwang ang dating barangay chairman matapos umanong pagbabarilin ng riding-in-tandem habang abala ito sa paglilinis ng kanyang sasakyan sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.
Dead on arrival sa Tala Hospital si Cezar Padilla, 57, ng Phase 6, Block 62, Lot 3, Package 3, Barangay 176 ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 6:00 ng umaga abala sa paglilinis ng kanyang sasakyan si Padilla sa isang bakanteng lote malapit sa kanilang bahay.
Bigla na lang umanong sumulpot ang dalawang armado na lulan ng motorsiklo at pinagbabaril biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa pamilya ni Padilla, wala silang alam na kagalit nito at lalong nakatitiyak sila na walang kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril dahil hindi umano nagtutulak o gumagamit ng shabu ang biktima. (Orly L. Barcala)