Sasamantalahin ng militar ang pitong araw na ceasefire ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front(CPP-NPA-NDF) para ibaling ang atensyon ng militar sa mga non-combat operations, gaya ng mga humanitarian at developmental projects ng pamahalaan.

Ito ang sinabi kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabing sa tigil-putukan sa pagitan ng rebeldeng komunista at pamahalaan ay magkakaroon umano ng kapayapaan.

Ang ceasefire ay iiral hanggang hindi natatapos ang ginagawang pag-uusap ng mga kinatawan ng pamahalaan at mga lider at consultants ng rebeldeng grupo sa Oslo, Norway.

Magtatapos sa Agosto 27 ang ibinigay na ceasefire ng NPA na nagsimula noong Agosto 21. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito