Mylene-Dizon copy copy

KAHIT maraming offers, hindi na nasundan ang mga pelikulang Heneral Luna at Mariquina na ginawa ni Mylene Dizon noong 2015 dahil busy siya bilang nanay nina Sara at Kara sa seryeng Doble Kara at hindi niya kayang maglagare.

“May mga nagpapadala ng script pero ano’ng gagawin ko, wala akong time,” kuwento ni Mylene nang makatsikahan namin sa set visit ng Doble Kara last Thursday. “’Yung dalawang araw na day-off ko, ibibigay ko na lang sa mga bata at ang daming errands na natatambak.

“Kaya kapag nagkaroon kami ng isang araw na bakasyon, natataranta kaming lahat gumawa ng errands, hindi naman puwedeng ipagkatiwala kasi minsan mga banking-banking siyempre, kailangan kami mismo ang gagawa, mga tax, ganyan.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Masayang kuwento ng premyadong aktres, gustung-gusto niya ang papel niya sa Doble Kara na kasama simula pinakaumpisa.

“Kasi ipinakitang dalaga na nag-ago-go dancer na naging nanay to lola. So hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa akin in the next few months pa, baka maging super-lola na ako o naka-wheelchair na ako bago magtapos itong Doble Kara.”

Bakit naman aabot sa ganu’ng eksena?

“Hindi malayo, kasi lalaki pa ‘yung mga bata, I think so, I don’t know,” sagot niya.

Ano pa ang role na gusto niyang magampanan?

“Marami pa, there’s so many things that I want to do. I’d like to play something totally different na, di ba, dito sa Doble Kara, lola ako? Gusto kong gumanap na 90 years old, pero gagawin ko na siya ngayon,” mabilis na sagot ng aktres.

Napanood na namin siyang maging lola at puti na ang buhok sa Super Inday and the Golden Bibe ni Marian Rivera (entry ng Regal Films sa 2010 Metro Manila Film Festival).

“Pero ano ako roon, villainess. Ang gusto kong istorya ay ‘yung matandang-matanda na hindi mo mare-recognize. Basta marami pa,” saad ni Mylene.

Hindi naka-exclusive contract si Mylene sa ABS-CBN kaya nakakatawid siya sa ibang network.

“I’m one of the few who can able to do it,” aniya.

Pinangarap din ba niya na maging bida sa sariling serye sa 20 taon niya sa showbiz?

“Ah no,” mabilis na sagot ni Mylene, “I am very happy where I am. Kung mangyari, its good, pero hindi ko pangarap or pinapangarap. Ayoko ng ganu’n kalaking responsibilidad, it’s too much responsibility. Kung open din ang station na it’s not going to be a super-rater, eh, di okay, pero kung aasahan nila na ikaw ang magkakarga ng show, aba’y teka.

“Kaya bilib ako sa mga bata (young stars) how they were able to do it, to deal that kind of pressure, sina Julia (Montes), gustung-gustong ko lang na nandito lang ako on the side lang, enjoy na ako rito, work lang nang work dire-diretso.”

Halos araw-araw ang taping ng Doble Kara kaya wala nang panahon si Mylene sa pamilya niya.

“Sometimes five times a week, ako ‘yan ang average ko at 12 midnight naman ang cut-off time namin. Sa totoo lang, hindi ko na rin naasikaso talaga ang mga bata kasi pag-uwi ko, tulog na ang family at bago ka umalis ng bahay kinabukasan, tulog pa rin ang family,” kuwento niya.

Tuwing Lunes at Miyerkules ang day-off ni Mylene sa taping nila.

“’Pag sinusuwerteng konti lang ang sequences, I have to go home early to my kids, pero may mga panahon talaga na minsan wala. Pero itong 12 midnight pack-up is doing well for everybody kasi mayroon kaming energy to work the following day,” kuwento ng ideal mom sa two young boys.

Kinumusta rin namin ang lovelife ni Mylene, “We’re okay,” sagot niya.

Binanggit niya na magtatatlong taon na ang relasyon nila ni Jason Webb na hiwalay din sa asawa at may dalawang anak, tulad niya.

”Sa akin dalawang lalaki, sa kanya, dalawang babae.”

Paano ang handling nila sa mga anak nila?

“How do we handle the kids, kanyang rule para sa mga anak niya at aking rule para sa mga anak ko. Kasi nga established na ganito ko palakihin mga anak ko at siya rin na ganu’n din niya palakihin mga anak niya. Kaya walang pakialamanan.”

Pero bihira silang magkita ni Jason sa hectic na schedule niya.

“Minsan hindi kami nagkikita talaga ng mahabang panahon, but I make it a point na magkita kami at least once a week, kung maisisingit namin ng twice a week minsan breakfast date or lunch date, ganu’n,” kuwento ni Mylene.

Kasabihan na kawalan ng oras ang nagiging dahilan ng conflict ang magdyowa.

“Yeah, pero alam naman niya na hindi naman ito panglimang taon, alam naman niyang hanggang one year or one year and a half at suwerte na nga itong Doble Kara and he knows that it’s a blessing dahil tumagal kami ng ganito and still we’re going strong.

“And he knows that when I’m not working, I have all my time for them, the kids and him,” katwiran ng aktres.

Nagulat kami sa sagot niya nang itanong namin kung may plano ba silang magpakasal.

“Ako, hindi ko naging childhood dream, hindi ako ganu’ng babae. Di ba, usually ang mga babae gusto ng ganu’n, okay lang ako. If it happens, then good siguro, pero hindi ko hinahanap.”

Okay naman ba sila ng tatay ng mga anak niya na si Paolo Paraiso?

“Oo naman, okay kami, may mga anak kami,” nakangiting sagot ni Mylene.

Abala naman si Paolo sa kanyang career sa GMA-7 at sa itinayong negosyo. (REGGEE BONOAN)