BIBETH copy

ISA si MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal sa mga dumalo sa 77th birthday party ni Mother Lily Monteverde at doon namin siya nakatsikahan kasama ang TV Patrol reporter na si Mario Dumaual at Katotong Mel Navarro.

Kaya bago pa man ipinabakante ni Presidente Rodrigo Duterte ang puwesto ng lahat ng appointees ng nakaraang presidente, nalaman namin na magtatapos na pala ang termino ni Atty. Villareal bilang MTRCB chairman sa Setyembre 30.

Hanggang sa mga huling araw sa kanyang puwesto, aniya, “We just do our work a day at a time, we’re just good servants.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nababanggit sa mga usap-usapan sa showbiz circle ang mga pangalan ni MTRCB board member at scriptwriter na si Bibeth Orteza, ni Direk Nick Lizaso sa mga posibleng papalit sa puwesto ni Chairman Villareal, kaya itinanong namin ito sa kanya.

“Ha-ha-ha, wala akong naririnig. Basta tayo, papasok tayo sa ating trabaho, we do our best, we leave it to the one up there, ‘ika nga,” masayang sabi ni Atty. Villareal.

Pagbaba sa puwesto, may pagkakaabalahan pa rin naman siya.

“Well, lawyer naman po tayo, so… but at the same, we’d rather kung baga, a day at a time, we focus at gagawin natin ang lahat ng magagawa natin, whatever capacity naman po para sa industriya natin,” paliwanag ng pinuno ng MTRCB.

Samantala, bukod sa MTRCB ay miyembro rin si Atty. Villareal ng Metro Manila Film Festival committee.

“That’s actually ex-officio, Chairman Emerson Carlos showed me a presidential proclamation. There’s a certain positions there that actually ex-officio, so, whoever the NCRPO head is always a member of that committee,” pahayag ni Atty Villareal.

Ano ang maikokomento niya kung sakaling si Ms. Bibeth ang pumalit sa puwesto niya?

“Napaka-qualified, lahat naman po ay qualified at ang importante po ay mapagtuloy kung anuman ang ating naumpisahan and maganda rin na may gravitas, ‘ika nga, lahat sa industriya.”

Pero kung siya ang masusunod, gusto pa rin ba niyang ipagpatuloy ang pagiging MTRCB chairman?

“May natutunan po ako sa pelikulang Ignacio de Loyola na may tinatawag na indifference, kung baga, kung saan po tayo dadalhin ay doon po, like patuloy sa pagtuturo sa law school na ginagawa ko rin po hanggang ngayon at sa iba’t ibang advocacy po, kung saan tayo dadalhin,” paliwanag ni Chairman Toto.

Qualified ba si Direk Nick Lizaso?

“Lahat naman po ay qualified, ‘ika nga, ang importante ay may pagmamahal sa industriya natin na movie, television at saka siyempre po ‘yung mga workers din po natin sa imdustry, lahat po ‘yan.”

Napangiti si Attorney Toto nang tanungin kung paano niya ii-evaluate ang sarili bilang anim na taong chairman ng MTRCB.

“Siguro po ang maghuhusga na lang ay ang mga nasa industriya, ang ating audience. Ang masasabi lang po natin ay we tried our best para itaguyod ang matalinong panonood at kung baga ay pinapalakas po lahat ang players po sa industriya, audience, networks, film producers at naging motto po natin ay empowerment po para sa lahat,” wika ni Atty. Toto. (Reggee Bonoan)