ZARAGOZA, Nueva Ecija - Kasong ‘acts of lasciviousness’ ang kinahaharap ngayon ng 50-anyos na aircon technician matapos itong ireklamo sa pulisya ng panghihipo at pangyayapos sa 13-anyos na estudyante sa Barangay San Isidro, sa bayang ito, noong Linggo ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. George Caluag, OIC ng Zaragoza Police, dumulog sa kanyang istasyon si Dra. Myrna Castillo upang ireklamo si Ferdinand Calalang, 50, may asawa, residente ng nasabing lugar.

Gumagawa umano ng aircon ang suspek sa bahay ni Castillo nang haplusin ang buhok at pisngi ng 13-anyos na anak ng huli.

Nang maupo sa kama ang bata at buksan ang kanyang laptop, tumabi umano ang suspek at muling hinipuan ang bata kaya nagsisigaw ito.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Nang ireklamo sa pulisya, mariin namang itinanggi ni Calalang ang bintang. (Light Nolasco)