ALICIA, Isabela - Nagdulot ng pangamba at matinding takot sa mga residente rito ang tatlong bangkay na natagpuan sa bayang ito.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpatay sa tatlong biktima na kinilalang sina Jonathan Salvador, 20, residente ng Barangay Magsaysay, Alicia; Robert Cariño , 19, tricycle driver at residente ng Purok San Roque, Bgy. San Antonio, Alicia; at Dario Bisteros, 23, construction worker at residente ng Bgy. Apanay, Alicia, Isabela.

Ang bangkay ng tatlo ay nadiskubre nitong weekend at hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaslang. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?