SEOUL/SINGAPORE (Reuters) – Balak ng Samsung Electronics Co., Ltd na maglunsad ng programa upang ibenta ang isinaayos ngunit nagamit nang mga bersyon ng premium smartphones nito sa susunod na taon, ibinunyag ng isang may direktang nalalaman sa plano.

Sa paghina ng kita sa smartphone market sa mundo, nais ng South Korean technology firm na isagad ang pagtitipid at magpatuloy sa operating margins na mahigit 10%.

Muling bibihisan ng Samsung ang mga high-end phone nito na ibinalik sa kumpanya ng user na pumirma sa one-year upgrade programs sa mga merkado, gaya ng South Korea at United States.

Ang mga ibinalik na smartphone ay muling ibebenta ng Samsung sa mas mababang presyo, ayon sa source ng Reuters.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline