Apat na estudyante ng University of the Philippines (UP) Diliman ang tumakbo sa Supreme Court (SC) sa pag-asang maharang ang planong paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Nagsampa ng petisyon sa SC ang mga estudyante hinggil sa planong libing, sa paniwalang labag sa batas at walang legal na basehan ang Memorandum ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Agosto 7.

Base sa Republic Act 289, tanging ang Board of Pantheon lang umano ang may karapatang payagan si Marcos na malibing sa LNMB, samantala hindi kasama rito si Lorenzana.

Sa petisyon nina Zaira Baniaga, John Arvin Buenaagua, Joanne Lim at Juan Antonio Magalang, kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Jesus Falcis III, sinabi ng mga ito na umabuso sa kapangyarihan si Lorenzana kaya’t dapat na ipatigil ng SC ang implementasyon ng Memorandum nito.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Hindi rin umano kwalipikado sa LNMB si Marcos dahil ‘dishonorably discharged’ ito sa militar.

Hindi rin umano angkop ang dating Pangulo na maihanay sa libingan nina Presidents Elpidio Quirino, Carlos Garcia at Diosdado Macapagal dahil ang tatlo ay hindi pinatalsik sa pwesto, hindi guilty sa pagpapahirap sa taumbayan at walang ill-gotten wealth.

“We cannot with a clear conscience accept that Marcos the tyrant lie beside the nation’s genuine freedom fighters.

Malacañang cannot insist its will when laws have been enacted recognizing the human rights violations during the Marcos regime. The government must be consistent,” ayon kay Baniaga. (Chito A. Chavez at Beth Camia)