UNANG leksiyon: smizing
Bagamat hindi na babalik ang supermodel na si Tyra Banks bilang host ng America’s Next Stop Model sa pagsisimula nito sa fall, mayroon naman siyang bagong gig para magbahagi ng kanyang expertise sa mga estudyante – sa Stanford Graduate School of Business. Magiging co-lecturer si Banks ni Allison Kluger, dating TV executive, ng unibersidad para sa kurso na tinawag na Project You: Building and Extending Your Personal Brand, sa loob ng dalawang linggo sa Mayo 2017.
“Graduates will be entering and reentering the workforce needing to know and understand how to build, broadcast, maintain, and protect their personal brand,” nakasaad sa course listing. “Project You will help each student realize:
What is a personal brand and how can it be unleashed as a valuable, competitive advantage? Why do you need a personal brand?”
Pinaalalahanan ang mga potensiyal na mga estudyante na kinakailangan nilang gumawa ng 90-second video na naghahayag ng kanilang brand at kung ano ang nais nilang gawin sa mga ito, bago dumalo sa unang klase ng nasabing kurso. Ang ilang bahagi ng klase ay may streaming sa Facebook Live at irerekord para sa YouTube, at kabilang sa kanilang final project ang local television.
Si Banks, na mananatiling executive producer ng ANTM, ay CEO rin ng sariling cosmetics company na Tyra Beauty. Kaya tiyak na may alam siya tungkol sa branding. Maaari ring itanong sa kanyang 4.3 million followers sa Instagram ang tungkol dito.
“What drives me is brand, brand, brand, and legacy,” sabi ni Banks sa Fast Company noong Oktubre 2014. “I really want to leave something behind that means something when I’m no longer here.”
Sinabi rin ni Banks na hero niya si Walt Disney dahil sa natamo nito sa branding.
Bukod sa kanyang real-world experience, nagtapos si Banks sa Harvard Business School ng Owner/President Management Extension Program noong 2012, kaya hindi basta-basta ang kredibilidad niya.
Ang isa pang star na magbabahagi ng wisdom sa mga estudyante sa paparating na school year ay si Matthew McConaughey, na magtuturo ng film class sa kanyang alma mater, na University of Texas sa Austin. Ituturo niya at ng direktor na si Gary Ross, na namahala sa last flick ni McConaughey na Free State of Jones, ay magtuturo kung paano nila ginawa ang pelikula. (Yahoo Celebrity)