Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung dayaan ang dahilan ng pananaksak at pagpatay ng isang lalaki sa kanyang kalaro sa cara y cruz sa Tondo, Manila nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Napoleon Ludwig Pariot, alyas “Hamog”, 30, binata, ng Magsaysay St., Tondo at pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Jaime Pingol, alyas “Topak”, binata, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon kay SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:30 ng hapon nangyari pananaksak.

Sa salaysay ni Filipina Radomes, 35, tiyahin ng biktima, nabatid na bago ang krimen ay naglalaro ng cara y cruz sina Pariot at Pingol.

Probinsya

Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide

Bigla na lang umanong hindi nagkasundo ang dalawa na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa binunot ng suspek ang kanyang balisong at sunud-sunod na sinaksak ang biktima sa dibdib. (Mary Ann Santiago)