ROSALES, Pangasinan - Patay sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang public market supervisor dito.

Sa ulat kahapon ng Pangasinan Police Provincial Office, nabatid na dakong 6:15 ng umaga nitong Linggo nang mangyari ang insidente sa Barangay Cabalaoangan Sur sa Rosales.

Patungo si Rodolfo Madriaga, 63, dating chairman ng Bgy. Guiling, Rosales, sa bayan para pumasok sa trabaho sakay sa kanyang Suzuki Skydrive motorcycle nang buntutan siya ng hindi nakilalang lalaki na sakay sa itim na Honda 125 motorcycle na walang plaka hanggang pagbabarilin.

Posibleng may kaugnayan sa trabaho ni Madriaga ang krimen, bagamat tinitingnan din ng pulisya ang anggulong personal na alitan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar