Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Police Director General Ronald Dela Rosa na mananagot ang mga nasa likod ng vigilante killings.

Ito ang binitawang salita ni Dela Rosa sa imbestigasyon ng Senado kahapon kaugnay sa extrajudicial killings.

Ayon sa chief PNP, malaking hamon ang pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa ngunit hindi niya kinukunsinti ang pamamaslang ng mga vigilante.

“The PNP does not and will never condone vigilante killings. The PNP will extend full force of law against perpetrators,” diin ni Dela Rosa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa tala ng PNP, 10,153 drug pushers at users ang naaresto habang mahigit sa 600,000 drug personalities na ang sumuko sa buong bansa. Sa hawak nilang datos, mayroong 3.7 milyong drug users sa buong bansa. (Fer Taboy)