Agosto 23, 1901, aabot sa 540 Thomasites, na ipinadala ng United States (US), ang dumating sa Pilipinas, lulan ng army transport U.S.S. Thomas. Itinalaga sila sa iba’t ibang probinsya upang mapasigla ang paraan ng Philippine Commission para sa public school system, at English ang ginagamit sa pagtuturo.
Ikinulong ang Thomasites ng ilang araw matapos nilang dumating, at tinuruan ng iba’t ibang subject. Gayunman, hindi nila itinuro sa mga ito ang masasakit na salita.
Inatasan din ang Thomasites na sanayin ang mga Pilipinong guro, at binabayaran ng $125 kada buwan ang bawat isa.
Marami sa kanila ang nakiisa sa mission sa pagnanais na maglakbay, makatanggap ng malaking suweldo, at makasiguro ng trabaho. Tinuruan din ng English ng US Army soldiers ang mga Pilipinong guro.