CAMP DANGWA, Benguet - Patay ang isang minero makaraang matabunan ng gumuhong mudflow sa labas ng pinagtatrabahuhang mining tunnel sa Itogon, Benguet, nitong Linggo ng hapon, iniulat ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera.

Kinilala ni Supt. Cherry Fajardo,regional information officer, ang biktimang si Melvin Poclis Timmocheo, 25, minero, tubong Bagulin, La Union, at nakatira sa Camp 6, Barangay Virac sa Itogon.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong 5:00 ng hapon at kasama ni Timmocheo ang dalawang kapwa minero sa labas ng tunnel nang aksidenteng nadulas ang biktima sa slope at napasama sa putik at mga batong gumuguho mula sa bundok. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar