MEXICO CITY (AP) – Matindi ang naging pangongopya ni Mexican President Enrique Pena Nieto sa kanyang thesis alang-alang sa pagkakaroon niya ng law degree, ayon sa imbestigasyong isinagawa ng isang local news outlet.

Inilathala nitong Linggo ni Aristegui Noticias ang online report tungkol sa pagbusisi ng isang grupo ng mga akademiko sa thesis ng presidente, may titulong “Mexican Presidentialism and Alvaro Obregon” at isinumite sa Panamerican University noong 1991.

Ayon sa ulat, 29% ng thesis ay halaw sa ibang gawa, kabilang ang 20 paragraph na kinopya nang word-for-word mula sa librong isinulat ni dating Pangulong Miguel de la Madrid nang walang citation o pagbanggit sa bibliography.

Sinabi naman ng tagapagsalita ni Pena Nieto na nakumpleto ng presidente ang lahat ng requirements para sa law degree nito at ipinagwalang-bahala ang kahalagahan ng “style errors” sa isang thesis na ginawa 25 taon na ang nakalilipas.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'