PUMANAW si Matt Roberts, dating gitarista ng alternative rock band na 3 Doors Down, sa edad na 38, ayon sa TMZ.
Habang hindi pa nakukumpirma ang dahilan, kumakalat ang bali-balita na pumanaw si Roberts noong Sabado ng umaga.
Sinabi ng ama ni Robert na si Darrel na huli niyang nakita ang kanyang anak pagkatapos ng rehearsal nito dakong 1:00 ng umaga noong Sabado. Inaasahan na magtatanghal si Roberts sa isang charity event sa labas ng Wisconsin noong Linggo ng gabi.
Si Roberts ay orihinal na miyembro ng 3 Doors Down, kasama sina Brad Arnold at Todd Harrell; na binuo nila noong 1996. Apat na taon ang nakalipas, umalis si Roberts sa banda dahil sa health issues partikular sa kanyang blood circulation.
Ang pagpanaw ni Roberts ay lubhang ikinalungkot ng fans niya at ng banda, marami ang nag-post sa social media para ipakita ang kanilang pakikiramay sa hindi inaasahang pangyayari sa gitarista. (ET Online)
