Mark copy

ISA ang aktor ng Star Wars na si Mark Hamill sa mga tumutulong para mabigyang katuparan ang kahilingan ng fan na may malubhang karamdaman at nais mapanood ang Rogue One: A Start Wars Story bago man lang ito pumanaw.

Sinuportahan ni Hamill ang social media campaign na sinimulan ng hospice worker na si Amy Duncan na humihingi ng tulong sa Star Wars upang ipalabas ang nasabing pelikula para sa illustrator na si Neil Hanvey ng Oldham, England.

Sinabi ni Duncan na sinabihan na ng mga doktor ang 36-year-old cancer patient noong Abril na may anim hanggang walong buwan na lamang siya para mabuhay. Ngunit ang Rogue One ay ipapalabas sa Disyembre 16.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang Star Wars: The Force Awakens ay matatandaang ipinalabas para sa terminally ill fan na si Daniel Fleetwood noong Nobyembre 5. Pumanaw ito ilang araw matapos mapanood ang pelikula. (AP)