ZAMBOANGA CITY – Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang umano’y leader ng kidnap-for-ransom-group (KFRG) na sinasabing kilala rin sa pagbebenta ng droga sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala kahapon ni Chief Supt. Billy Beltran, Police Regional Office (PRO)-9, ang suspek na si Hasim Calon, alyas Gingging at Husien, na nadakip dakong 4:30 ng hapon nitong Sabado sa Barangay Tenan, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Beltran na naaresto si Calon sa bisa ng warrant of arrest para sa kidnapping with ransom na inisyu ng korte sa Ipil.

Ayon kay Beltran, si Calon ay sub-leader ng Barahama Alih KFRG na kumikilos sa Zamboanga Sibugay, at sangkot sa pagdukot sa Australian na si Richard Warren Rodwel noong Disyembre 2011; at kay Joel Indino noong Enero 2011 sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dagdag pa ni Beltran, nakakumpiska rin ang mga awtoridad mula kay Calon ng anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Si Calon ay sinasabi ring kilabot na tulak ng droga at nasa drug watchlist ng Ipil, ayon kay Beltran. (PNA)