Tinatapos na ng prosecution panel ang paghaharap ng mga ebidensya laban kay dating San Juan City mayor Joseph Victor “JV” Ejercito sa kasong graft kaugnay sa pagbili ng mga baril gamit ang calamity fund ng lungsod noong 2008.
Inihayag ng prosekusyon sa 5th Division ng anti-graft court na hindi na sila maghaharap ng karagdagang testigo sa kaso.
Inamin din ni Assistant State Prosecutor II Peter Jedd Boco na handa na silang maghain ng kanilang “formal offer of evidence” bukas (Agosto 24). (Rommel P. Tabbad)