Hindi naman talaga kakalas sa United Nations (UN) ang Pilipinas, sa kabila ng pagkakadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikialam ng ibang bansa sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella, kung saan iginigiit lang umano ng Pangulo na ang Pilipinas ay ‘sovereign nation’ at hindi dapat pinakikialaman.

“We are not decoupling,” ani Abella sa Palace news conference.

“He was really just reiterating national sovereignty and the fact that he did not welcome interventions or what he would consider meddling,” dagdag pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang banta ng Pangulo na lalayas ang bansa sa UN ay hindi umano ‘statement of fact.’

Samantala sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na kahit may mga nakakadismaya ay hindi aalis sa nasabing international agency ang bansa.

“The statement of the President is a statement expressing profound disappointments and frustrations and it is not a statement that should indicate a threat to leave the United Nations,” ani Yasay. Ang Pilipinas ay founding member umano ng UN. (Genalyn Kabiling at Roy Mabasa)