Mahigit 700 dayuhan ang pinigilang makapasok ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang puwerto sa bansa bilang bahagi ng puspusang kampanya upang maitaboy ang undesirable aliens.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente karamihan ng mga pinabalik na dayuhan nitong Hulyo ay dahil sa kabiguang maipaliwanag ang layunin ng kanilang paglalakbay sa Pilipinas, hindi tugma ang mga dokumento at mayroong derogatory records. (Mina Navarro)