Limampung mayor ang iniimbestigahan ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, bukod pa sa daan-daang barangay officials.

Ito ang ibinunyag kahapon ni DILG Secretary Ismael Sueno, kung saan binigyang diin nito na malawak na talaga ang problema sa droga ng bansa.

“All I can say is that, there are more who were not announced by the President,” ayon kay Sueno sa Palace news conference. “I am sure that there are more local executives who are involved in drugs,” dagdag pa nito.

Nang tanungin kung ilang local executives ang umano’y sangkot sa droga, sinabi ni Sueno na “maybe about 50.” Kung isasama umano ang barangay captains, sinabi ng kalihim na “maybe hundreds.”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“It has expanded not only in one province but all throughout the country. We can understand the passion of the President in really eliminating drugs because it has proliferated, mainly because of the protection given by our local executives and our police,” ani Sueno.

Sa kasalukuyan, isinasailalim umano sa balidasyon ang report sa bawat alkalde na isinasangkot sa droga.

Samantala hindi pa batid ni Sueno kung ihahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga ito sa publiko.

130 pulis pa, positibo sa shabu

Napipinto namang masibak sa Philippine National Police (PNP) ang 130 pulis na nagpositibo sa shabu.

Ayon kay Chief Supt. Emmanuel Aranas, hepe ng PNP Crime Laboratory, ang 130 pulis ay kabilang sa 99,598 pwersa na sumailalim sa drug testing.

“This 130 were confirmed for shabu,” ani Aranas, kung saan ang kanilang ranggo ay mula Police Officer 1 hanggang Chief Inspector o major sa military. (Genalyn Kabiling at Aaron Recuenco)