LINGAYEN, Pangasinan – Apat na katao na umano’y drug personalities ang hinarang sa isang checkpoint laban sa droga sa Sitio Cabaraoan sa Barangay Poblacion, Santol, La Union.

Sinabi ni Senior Insp. Antonio A. Marzan, Jr., officer-in-charge ng Santol Police, na dakong 3:40 ng umaga nitong Linggo nang ikasa ang checkpoint at anti-illegal drugs operation sa Sitio Cabaraoan, na nagresulta sa pagdakip sa apat na lalaki.

Magkaangkas sa dalawang motorsiklo ang mga suspek, ang dalawa ay mula sa Bgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur; at ang dalawa pa ay taga-Bgy. Puguil, Santol, La Union.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 25 pinatuyong halaman ng marijuana, pitong marijuana brick na tumitimbang ng 41,500 gramo, at sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P5,187,500. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar