BAGHDAD (Reuters) – Inihayag ng Iraq nitong Linggo na binitay nito ang 36 militanteng nahatulan sa masaker ng daan-daang karamihan ay sundalong Shi’ite sa isang kampo sa hilaga ng Baghdad noong 2014.
Isinagawa ang mga pagbigti sa isang kulungan sa katimugang lungsod ng Nasiriya, ayon sa Justice Ministry.
May 1,700 sundalo ang pinaslang dalawang taon na ang nakalipas matapos silang tumakas mula sa Camp Speicher, isang dating base militar ng US sa hilaga ng Tikrit, ang bayan ni Saddam Hussein, nang makubkob ito ng Islamic State.