Asahan ang dalawa hanggang apat pang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bago matapos ang buwang ito.

Ayon sa weather forecasting division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng magdulot ng mga pagbaha at landslide sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga bagyo na maaaring pumasok sa PAR sa susunod na mga araw.

Inihayag din ng ahensya na nalusaw na ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Aurora nitong nakalipas na araw. Gayunman asahan pa rin ang mga pag-ulan sa Luzon at Visayas bunsod ng umiiral na habagat. (Rommel P. Tabbad)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists