RIO DE JANEIRO (AP) — Sa pagbabalik sa South Korea, tangan ni Inbee Park ang Olympic gold bilang katibayan sa kanyang kritiko na karapat-dapat siyang lumahok sa Olympics.

Gayundin, para patibayin ang kanyang katayuan sa women’s golf.

Nalaglag sa world ranking bunsod ng tinamong pinsala sa kanang hinlalaki, marami ang nagdududa sa kanyang kakayahan, gayundin ang humihiling sa kanyang pagreretiro.

Nitong Sabado (Linggo sa Manila), dinomina niya ang Olympic Golf Course sa naiskor na 5-under 66 para sa limang puntos na panalo at angkinin ang kauna-unahang gintong medalya sa women’s golf mula nang huling laruin ang sports noong 1904.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Because I had an injury, a lot of people were saying maybe it was better to have another player in the field, which is understandable,” pahayag ni Park.

“But I really wanted to do well this week to show a lot of people that I can still play.”

Nabigong makahabol si Lydia Ko ng New Zealand, pumalit sa kanya sa No.1 position sa nakalipas na 10 buwan, nang sumablay ang kanyang pagtatangka sa birdie sa unang anim na hole. Tumapos siya sa 69 para sa silver, isang puntos ang layo sa bronze medalist na si Shanshan Feng ng China.

“I’ve won majors, but I haven’t won a gold medal, so this feels very, very special. Nothing I want to exchange,” aniya.

“I’m so honored to represent my country. Being able to receive the gold medal was an unforgettable moment.”