BEIRUT (AP) – Ang suicide attacker na nagpasabog sa isang Kurdish wedding party sa timog silangan ng Turkey, na ikinamatay ng 51 katao at ikinasugat ng mahigit 90, ay isang 12-anyos na batang miyembro ng Islamic State.

Kilala ang extremist group sa paggamit ng mga bata bilang mga armas, itinutulak ang mga ito sa kamatayan sa pagkabit ng mga pampasabog sa katawan ng mga ito para atakehin ang mga kalaban sa Iraq at Syria.

Tinatawag ng IS ang mga batang sundalo nito na “cubs of the caliphate.’’ Sinasanay ang mga bata sa mga eskuwelahang pinatatakbo ng IS at ikinikintal sa murang isipan ng mga ito ang doktrina ng marahas na bersyon ng Islam. Inihahantad sila sa mga bayolenteng gawain gaya ng pamumugot upang makabuo ng bagong henerasyon ng mga militante.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline