SINGAPORE (AP) – Nataranta ang mga doktor noong Linggo matapos himatayin ang prime minister ng Singapore habang nagbibigay ng talumpati sa bansa sa idinaos na National Day rally.
Makalipas ang halos isang oras, inalalayan si Prime Minister Lee Hsien Loong pabalik sa entablado at ipinagpatuloy nito ang kanyang talumpati, sa harap ng naghihiyawang madla.
Ayon sa Prime Minister’s Office, si Lee, 64, ay nahilo dahil sa matagal na pagtayo, mainit na panahon at dehydration.
“Thank you for waiting for me. I gave everybody a scare,’’ sabi ni Lee pagbalik sa entablado. “I never had so many doctors look at me all at once. They think I’m all right, but anyway I’m going to have a full checkup after this.’’
Pinayuhan ng mga doktor si Lee na magpahinga hanggang Agosto 29.