Mga Laro ngayon

(San Juan Arena)

9 n.u. -- San Beda vs LPU

10:45 n.u. -- Arellano vs JRU

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

12:30 n.h. -- Mapua vs San Sebastian

2:15 n.h. -- Perpetual vs Letran

4 n.h. -- EAC vs CSB

  

Patibayin ang kanilang pamumuno ang tatatangkain ng defending champion San Beda College at Arellano University sa pagsalang sa magkahiwalay na laro na bahagi nang quadruple header sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

 

Naghahangad ng kanilang ikawalong sunod na kampeonato, manggagaling ang Cubs sa 86-63 panalo sa Light Bombers habang nanaig naman ang Braves kontra San Sebastian Staglets, 78-65, noong nakaraang Huwebes upang parehas na umangat sa barahang 10-1.

Muling inaasahan ang pamumuno para sa Red Cubs nina Sam Abu Hijle at Joshua Tagala habang sasandalan naman ng Braves si Guillmer dela Torre para sa kanilang pagpuntirya ng ika-11 panalo.

 

Sasagupain ng Cubs ang pumapanglimang Junior Pirates na may markang 6-4, sa unang laro ganap na 9:00 ngayong umaga habang makakasagupa ng Braves sa ikalawang laro ang Light Bombers (2-9) ganap na 10:45 ng umaga.

 

Ayon kay San Beda coach JB Sison , ang kanilang pangunahing goal sa ngayon ay ang manatiling nasa top 2 para sa hinahabol nilang insentibong twice-to-beat papasok ng Final Four round.

“We hope to wins as many games as we can and try to get that twice-to-beat advantage,” pahayag ni Sison.

Samantala sa iba pang mga laro, magtutunggali ang kasalukuyang pumapangalawang Mapua (8-2) at San Sebastian (1-10) ganap na 12:30 ng hapon, magtatapat ang University of Perpetual Help (4-6) at Letran (4-6) ganap na 2:15 ng hapon, at magsasagupa ang Emilio Aguinaldo College-ICA (0-10) at ang nasa pangatlong puwestong St. Benilde-LSGH (7-3) sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)