BAMBAN, Tarlac - Isang pulis at tatlong iba pa ang duguang isinugod sa Divine Mercy Hospital matapos bumangga sa kongkretong pader ang sinasakyan nilang Toyota Hi-Lux pick-up sa Sitio Pandan Road sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Sugatan sina PO1 Jose Larry De Yola, Jr., 25, nakatalaga sa Angeles City Police, at residente ng Doña Belen Subdivision, Angeles; Vincent Santos, 19, ng Bgy. La Paz; Nestor Naguit, 23; at Jesler Guinto, 21, ng Bgy. San Nicolas, Bamban.

Minamaneho ng pulis ang pick-up nang biglang may nag-overtake na motorsiklo kaya nawala sa kontrol ang sasakyan hanggang sumalpok sa kongkretong pader ng apartment ni Rhea Sigua, ng Bgy. Anupul. (Leandro Alborote)

Probinsya

Menor de edad, nasagip matapos tangayin ng alon sa Tacloban