Hindi na ikinagulat ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Charles Maxey ang naging pahayag ni Pangulong Duterte para sa mass-resignation ng mga itinalaga niyang opisyal sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

‘Naiintindihan namin ang Pangulong Duterte. Ang nais niya kasi tapat na paglilingkod kaya pag may nakuha siyang impormasyon na hindi tama ang ginawa ng mga tao sa kanyang paligid agad-agad inaalis niya para maging maayos ang takbo ng liderato sa ahensiya,” pahayag ni Maxey, isa sa dalawang opisyal sa sports agency na nagmula sa Davao.

Si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang nagsilbing sports director sa Davao Sports Council.

“Kami naman laging ready na iwan itong posisyon kung sasabihin ng Pangulo. Pero right now, wala pa namang advisory sa amin si Chairman Ramirez regarding the latest announcement of President Duterte,” sambit ni Maxey, dating sports editor ng isa sa pinakamatagumpay na pahayagan sa Mindanao.

Amores magle-lechong manok business muna: 'Mapapa-knockout ka sa sarap!'

Nitong Linggo ng madaling araw sa press conference ni Duterte sa Panacanang, iniutos niyang bakantihin ang lahat ng mga government appointee maliban ang Cabinet position para balasahin ang hanay ng mga opisyal.

Nag-ugat umano ang pagkadismaya ni Duterte sa nabalitang anomalya sa ahensiya ng LTO at LTRCB.

“I announced that all position in the government agency vacant. They will all report to me immediately,” sambit ni Duterte.

Hindi nakunan ng pahayag hinggil dito si PSC chairman Ramirez.

Iginiit naman ni commissioner Arnold Agustin na walang dahilan para hindi sila tumalima kay Pangulong Duterte.

“Tungkulin ng Pangulong Duterte na masiguro na ang mga tamang opisyal ang mamahala sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Hintayin lang namin ang advisory ni chairman Ramirez, bukas naman may board meeting kami,” sambit ni Agustin.

Nitong Biyernes lamang nakuha nina Maxey at Agustin, gayundin nina commissioner Mon Fernandez at Celia Kiram, ang kanilang appointment paper at nakalinyang manumpa anomang araw ngayong linggo.

“During our board meeting last Friday. Marami na kaming naisaayos na papel, gayundin ang line function ng bawat commissioner,” sambit ni Agustin. (Edwin Rollon)