Sinamantala ng mga ‘di kilalang armado ang pagiging abala ng lahat sa panonood ng singing contest upang pagbabarilin at patayin ang isang parking boy, na isa umanong drug addict, sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng gabi.

Limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natamo ng biktimang si Anthony Villanueva, 41, parking boy, at residente ng 5540 Sulu St., Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay SPO2 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), abalang-abala ang lahat sa panonood ng singing contest, na bahagi ng pagdiriwang para sa nalalapit na kapistahan sa lugar, nang pagbabarilin ng mga armado si Villanueva, dakong 10:55 ng gabi, sa 2523 P. Guevarra St., sa Sta. Cruz.

Narinig naman umano ng mga manonood ang mga putok ng baril ngunit dahil abala sa panonood ay hindi nila ito pinansin.

Probinsya

Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide

Maya-maya pa’y napansin na lamang ni Kagawad Boy Magat ng Barangay 367, Zone 3, ang biktima na duguang nakahandusay at wala nang buhay kaya kaagad umano niya itong ini-report sa mga tauhan ng Blumentritt Police Community Precinct (PCP) upang maimbestigahan. (Mary Ann Santiago)