TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Kritikal ang lagay ng isang driver ng motorsiklo matapos itong masalpok ng ambulansya ng isang pribadong pagamutan sa national road sa siyudad na ito, nitong Sabado ng gabi.

Maselan ang lagay ngayon sa ospital ni Warlito Elis, ng Lambayong, driver ng Honda Wave motorcycle (OC-3470) na nabangga ng kasunod at humaharurot na ambulansya, na minamaneho ni Oscar Dacumos y Duatin, nasa hustong gulang, ng Barangay Villamor, Esperanza, Sultan Kudarat.

Nangyari ang aksidente dakong 10:00 ng gabi nitong Sabado. (Leo P. Diaz)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar