Kung si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang tatanungin, hahayaan na niyang mailibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay Estrada, hindi na dapat pinag-aawayan ang naturang isyu dahil nakapagdesisyon na ang mga kinauukulan, partikular si Pangulong Rodrigo Duterte, at mas marami pang mahahalagang bagay na dapat na pag-ukulan ng pansin.

“Lahat naman tayo ay mga Kristiyano, respetuhin na lang natin ang patay,” pahayag ni Estrada nang tanungin kung pabor siyang ilibing si Marcos sa LNMB. “Hindi na dapat siguro pag-awayan ‘yan. Tayo’y mga Kristiyano. Mag-move on lang tayo at ilaan ang oras sa mga problema ng ating bansa. Mag-move on na. Kalimutan na ang nakaraan.”

Nakatakdang ilibing sa LNMB si Marcos sa Setyembre 18. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Da hu? Misteryosong boylet na kasama ni Jiliian sa video, hinulaan ng netizens