Justin at Lou copy

IBINAHAGI ni Justin Timberlake sa Twitter nitong nakaraang weekend ang kanyang pagluluksa sa pagpanaw ng dating manager ng ‘NSync na si Lou Pearlman, na pumanaw sa kulungan nitong Biyernes, Agosto 19, sa edad na 62.

“I hope he found some peace,” tweet ng Can’t Stop the Feeling! singer, 35 nitong Linggo, Agosto 21. “God bless and RIP, Lou Pearlman.”

Ang record producer – na nakipagtrabaho rin sa Backstreet Boys, LFO, at O-Town – ay nahatulan ng 25 taong pagkakulong. Siya ay nasentesiyahan noong Mayo 2008 sa kanyang pagkakasangkot sa Ponzi scheme na nanloko sa 1,700 investors.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagbahagi rin ng pakikiramay ang dating bandmate ni Timberlake na si Lance Bass sa Twitter nitong weekend, na nag-post ng, “Word is that #LouPearlman has passed away. He might not have been a stand-up businessman, but I wouldn’t be doing what I love today w/out his influence. RIP Lou.”

Naging laman din si Pearlman ng Oktubre 2007 Vanity Fair exposé, na nagsasalaysay ng mga alegasyon ng sexual harassment at pangmomolestiya sa ilang dati at aspiring singer. Noong 2014 interview sa The Hollywood Reporter, itinanggi ni Pearlman ang mga akusasyon mula sa kulungan at sinabi na ang kanyang mga kasama na inmates alam na “none of that can be true.”

Nagsimula ang talent scout sa kanyang career sa entertainment industry nang itatag niya ang Trans Continental Records noong ‘90s sa pag-asam na makatuklas ng bagong boy band na papantay sa tagumpay ng New Kids on the Block.

Pumili siya ng limang miyembro ng Backstreet Boys sa isang talent search at ginawa rin ang kaparehong formula sa ‘NSync. Ang dalawang grupo ay naging of best-selling boybands of all time. (Us Weekly)