ILANG taon ding “naburo” si Jaya sa bakuran ng GMA, kaya wala raw naging problema nang mag-decide na siyang mamaalam para magbalik-Kapamilya.
Nangyayari naman talaga ang ganito sa showbiz, kaya kampante siyang nagpaalam sa Kapuso Network.
“I don’t see any problem with that, trabaho talaga is trabaho. Ganu’n lang siya kasimple,” sabi ng queen of soul.
Sa loob ng halos dalawang dekada bilang Kapuso talent, marami siyang nakatrabaho at naging kaibigan. Puro pasasalamat ang tanging pahatid niya sa mga dating katrabaho.
“I’ve made family there, ang dami ko nang naging kumare at kumpare, including some of the bosses and directors, lahat... writers,” ani Jaya.
Kaya ngayon, major adjustments ang kanyang pinagdaraanan.
“Alam n’yo naman, sa GMA medyo kakaiba ang kultura do’n, lahat barkada, kahit na ‘yung sa cafeteria barkada namin,” aniya.
Bilang Kapamilya, ang pagiging isa sa judges ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime unang sumabak si Jaya. Napapanood siya ng ilang singer-friends sa GMA gaya ni Regine Velasquez
“Very supportive siya nang bonggang-bongga,” ani Jaya. “The closeness I have with Regine goes beyond work. Actually ang ‘kinaki-excite namin ngayon is papa’no kami magsasamama-sama sa isang show or concert maybe. Never pa ‘yun nangyari, eh, Lani (Misalucha), Regine and Jaya,” aniya pa. (Ador Saluta)