DAGUPAN CITY, Pangasinan – Isang empleyado ng Pryce Gas Incorporated ang nasawi matapos itong makuryente sa loob ng opisina sa Barangay Magnuang, Batac City, Ilocos Norte .

Kinilala ng Batac City Police ang biktimang si Silverio Bagarinao, 55, binata, tubong Bohol, na binawian ng buhay sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac.

Nabatid na dakong 4:00 ng hapon nitong Huwebes nang mangyari ang aksidente, ngunit Biyernes na ito iniulat ng pulisya. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone