Binigyang-diin ni Climate Change Commission (CCC) Secretary Emmanuel De Guzman ang pangangailangan na patatagin ang mga komunidad sa epekto ng nagbabagong panahon upang mapangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga maralita na pinakamahina sa matitinding hagupit ng panahon.

“Poverty, as we all know, breeds disaster vulnerability, and those who have least in life, sadly, risk life most. To be indifferent and to do nothing on the threats of climate change is therefore an injustice to the vulnerable poor,” sabi ni De Guzman, vice chair at executive director ng CCC.

“That is why adaptation, mitigation, and risk reduction are moral imperatives and clearly social justice in action.

National

90% ng mga Pinoy, buo raw ang pag-asa sa pagsalubong sa 2025<b>— SWS</b>

Building the resilience of our communities, especially the vulnerable poor and the marginalized, allows them not only to preserve their basic rights but also presents opportunities to thrive despite weather extremes and rising sea levels,” dagdag niya.

Ayon kay De Guzman, kailangang paigtingin pa ng pambansa at lokal ang climate change adaptation, kabilang na ang risk assessment, public health services, pangangalaga sa ecosystem, pagpapabuti sa agricultural methods, pamamahala sa yamang tubig, at paglikha ng settlements sa mga ligtas na lugar.

Batay sa 2016 Global Climate Risk Index of think-tank Germanwatch, pang-apat ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinakaapektado ng matitinding hagupit ng panahon mula 1995 hanggang 2014, sa likod ng Honduras, Myanmar at Haiti.

Natuklasan din sa pag-aaral na ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng extreme weather events sa parehong panahon sa 337, na nagdulot ng 1.10 pagkamatay sa bawat 100,000 residente, at halos 0.68 porsiyentong pagkalugi sa gross domestic product (GDP). (Ellalyn B. De Vera)