TALAVERA, Nueva Ecija - Nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 692 reams ng pekeng sigarilyo na Mighty at Marvel sa pagsalakay sa isang bodega sa Barangay La Torre sa Talavera, nitong Sabado.

Sa bisa ng search warrant, naaresto sa akto ng pagbebenta ng pekeng sigarilyo si Fortunato Gatmaitan, bagamat hindi natagpuan ng mga awtoridad ang may-ari ng bodega na si Steven Go, na pinaghahanap ngayon.

Ayon sa pulisya, kinumpirma ng isang kinatawan ng Mighty Corporation na peke ang mga nasa bodega, at pawang smuggled umano mula sa China, Indonesia ay Malaysia. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar