Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sama ng panahon sa labas ng Pilipinas at ito ay nasa layong 770 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Sinabi ng PAGASA na kapag hindi magbabago ang galaw ng LPA ay tuluyan itong papasok sa bansa.

Kaugnay nito, maaapektuhan din ng thunderstorms ang bahagi ng Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Binalaan din ng ahensya ang mga residente sa mga tinukoy na lugar sa posibleng flashflood at landside bunsod ng pag-ulan. (Rommel Tabbad)